Mga Pahina

Setyembre 11, 2012

Dapat bang paniwalaan si Angelica Zambrano?


Si Angelica Zambrano
Si Angelica Zambrano mula sa Ecuador, Di umano ay namatay ng dalawampu't tatlong oras (23 hours); kinausap daw siya ng panginoon na ang pangalan ay Jehovah, at sinamahan ni Jehovah si Angelica sa Impierno, sa Langit at muling nabuhay si Angelica pagkatapos mag-tour o maglakbay.

Mahirap paniwalaan di ba? Ang kataka-taka at masakit ay may naniniwala pa rin, marahil siguro sa kawalan nila ng kaalaman sa Banal na Kasulatan. Para huwag po tayong maligaw, malugod ko pong ipinakikilala sa inyong lahat Si Bro. Eli Soriano ang "The Most Sensible Preacher of our Time" at  "The Walking Bible" dahil sa lubos niyang pagkaalam sa Biblia.

Si Bro. Eli ay kilala dahil sa galing nito sa Biblia, Itanong Mo kay Soriano, Biblia ang Sasagot! (Ask Soriano, the Bible Will Answer!) Isa sa mga sikat niyang programa sa TV, Radyo at sa Internet. Na kung saan ay maaaring magtanong duon ng live ukol sa Pananampalataya, Kaligtasan at Biblia.

Other TV Programs of Bro. Eli Soriano

  1. Ang Dating Daan - Tagalog
  2. The Old Path - English
  3. El Camino Antiguo - Spanish
  4. O Caminho Antigo - Portuguese
Ngayon, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga Biblical na sagot ni Bro. Eli Soriano sa twitter tungkol kay Angelica Zambrano.




Mateo 19:14


"Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit."





1 Corinto 4:6


"Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba."

Umaasa po ako, na nabatid niyo po ang aking blog post na ito na batay sa banal na kasulatan sa pamamagitan ni Bro. Eli Soriano at nang kaniyang Official Twitter account.

Brother Eli Soriano's Official twitter account






Related Blog posts

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento