Mga Pahina

Hulyo 29, 2012

Manibela Academy bus, Kauna-unahan sa bansa!

Sa pagsapit ng ika-8 Anibersaryo ng UNTV noong July 24, 2012

Sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon at ng UNTV, sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng grupong Ang Dating Daan, ay matagumpay na nailunsad ang Manibela Academy bus kauna-unahan sa bansa; Na ang layon ay magbigay ng Serbisyo Publiko sa kapwa tao, naglalaman ang bus ng kumpletong motoring equipment at repair tools.

Image Credit: www.DanielRazon.com

Ang Manibela Academy bus, ay mag lalakbay sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, para magturo ng libreng driving lessons at pag memekaniko. Ang TESDA gamit ang bus ay maaari ding makapagturo o gumawa ng Livelihood Seminars para makatulong duon sa mga mag sisimula ng kanilang negosyo.

Related Article:

Hulyo 24, 2012

UNTV 8th Year Anniversary nag-trending sa twitter

Kanina lamang ay nag #1 trending ang hashtag na ito #Happy8thAnniversaryUNTV dahil sa pagsapit ng ika-8 taong anibersaryo ng UNTV. Ang UNTV ay kilala bilang "Your Public Service Channel" dahil sa kanilang walang sawang pagtulong sa kapwa-tao, Araw-araw na may Medical Mission na may libreng gamot, Libreng Legal consultation, Libreng Sakay sa Bus at Jeep, Transient Home - para sa walang matulugan sa gabi, Libreng Edukasyon mula sa Elementarya, High School hanggang Kolehiyo.



Dunong Gulong mobile school isang alternative learning system partnership between UNTV, Department of Education at ng Ang Dating Daan. Tulong Muna Bago Balita sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon.


Tweets mula sa ating mga kaibigan.

Pagbati mula kay Alessandra De Rossi
Happy 8th year anniversary to UNTV and to Kuya Daniel Razon! More Power! and more Public Service to come!

Hulyo 17, 2012

Itanong Mo kay Soriano, Nasa Twitter na!

Ako'y isang masugid na taga-hanga ni Brother Eli Soriano, kaya't kahit sa twitter ay sinusundan ko Siya. Sa ngayon ay higit 30, 500 na ang followers ni Bro. Eli Soriano at nadadagdagan pa ito sa bawat araw na lumilipas.

Bro. Eli Soriano on twitter
Click the image to enlarge


Sino ba naman kasi ang hindi mag fo-follow kay Bro. Eli? dahil kahit sa twitter ay maaari mo siyang tanungin tungkol sa Biblia, pananampalataya, kaligtasan at katulad nito. Katulad lang ng larawan na nasa itaas. Kung saan ay tinatanong niya si Bro. Eli kung Ano ang masasabi niya sa "Beauty is in the eye of beholder"? at ang sagot ni Bro. Eli ay "God looks at the heart which no man can behold! Jer. 17:5".

Ilan lang ito sa mga sagot ni Bro. Eli sa Twitter (Tweetanong mo kay Soriano!)








Si Bro. Eli ay madaling lapitan, kausapin at matanong ng kapwa tao. Katunayan niyan ay kada una at huling Biyernes ng Buwan dito sa Pilipinas ay may isinasagawa siyang Ang Dating Daan Worldwide Bible Exposition. Na duon ay natatanung siya ng mga kababayan nating Pilipino, minsan pa nga kahit hindi natin mga kalahi ay nakaka-pagtanong din dahil konektado ang labing limang (15) ADD Coordinating Centers sa buong mundo.

Kaya sa ibig mag tanong o humingi ng payo kay Bro. Eli, ay maaaring i-follow ang kaniyang Opisyal twitter account twitter.com/BroEliSoriano.

I-like din ang mga Opisyal MCGI Facebook fan page, para sa karagdagang impormasyon o balita.


Hulyo 10, 2012

First blog (Unang blog)

Ito ang aking unang blog, ang layon ng Blog site na ito ay ibahagi o i-share ang mga bagay na aking nakikita sa aking paligid mapa-mabuti man ito o masama. umaasa ako na hindi ito ang una at huling blog ko.

Ako nga pala si Abel Suing, isang independent Web developer at internet active user. Ito nga pala ang aking account sa twitter at facebook, nawa'y maging magkaibigan tayo. happy reading :)
twitter.com/abelrsuing
facebook.com/abelrsuing